Hindi magandang imahe sa mga investors at maging sa reputasyon ng bansa ang mga kontrobersiya na kinasangkutan ng POGO ayon yan kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan.

Ayon kay Balisacan, mas malaki ang social cost na idinudulot ng POGO sa bansa kesa sa kita na ibinibigay nito para sa ekonomiya.

Dahil sa ibat ibang criminal activities na nililikha ng POGO ay hindi ito makakabuti sa imahe ng bansa lalo na sa mga nakikita ng mga negosyante.

Aniya, kung mapapalawak lamang ang mga ibang negosyo sa bansa ay mas malaki pa ang kikitain kaysa sa nanggagaling na kita sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.

Naniniwala si Balisacan na mas malaki pa ang darating o higit pa ang makukuhang kita ng bansa kung mapapalawak ang ibang mga negosyo kesa ang kitang naggagaling lamang sa POGO.

-- ADVERTISEMENT --