
Ipinahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, maaaring maharap sa mga kasong perjury, libel, at oral defamation ang mga senador at iba pang indibidwal na dumalo sa umano’y hindi lehitimong pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong June 4.
Ipinaliwanag niyang hindi maaaring gamitin ang parliamentary immunity kung mapapatunayang walang legal na batayan ang naturang pagdinig.
Binanggit din ni Matibag ang reklamong oral defamation na isinampa ni Senador Erwin Tulfo laban sa “18 maleta boys” matapos madawit ang kanyang pangalan.
Dagdag pa niya, maaari ring sampahan ng kasong usurpation of authority ang mga responsable kung mapatutunayang hindi lehitimo ang isinagawang pagpupulong.




