Gagawa ng kasaysayan ang Paris 2024 bilang unang Olympic Summer Games na isasagawa ang opening ceremony sa labas ng stadium sa halip, isasagawa ito sa Seine river, ang pangunahing ilog ng lungsod.

100 na bangka ang sasakyan ng mga atleta at performers sa floating parade sa ilog.

Sa umpisa ng seremonya, itataas ang watawat ng France at patutugtugin ang French national anthem.

Sunod ay highlight ng seremonya, ang Parade of Nations.

Matutunghayahan ang mga atleta na kumakatawan sa 206 na bansa na binubuo ng nasa 10,500 athletes ang kanilang ceremonial entrance na dati ay sa stadium, subalit ngayon sa sakay sila ng mga bangka sa Siene river.

-- ADVERTISEMENT --

Lahat ng mga bangka ay may camera para malinaw na makita sila ng mga viewers.

Magsisimula ang seremonya sa Austerlitz Bridge at maglalakbay ng halos apat na milya sa ilog at magtatapos naman sa Trocadero malapit sa Eiffel tower.

Sa dulo ng ruta, sisindihan na ang torch at inaasahan na magsasalita si French President Emmanuel Macron.

Nasa 600,000 na katao ang mag-eenjoy sa opening ceremony ng personal na akma sa kanilang slogan na “Games Wide Open.”

May 222,000 free tickets para sa parada mula sa upper banks ng Seine, at karagdagan na 104,000 na paid tickets sa lower banks ng ilog.

Isa pang kasaysayan para sa Paris 2024 ang mas maraming manonood na hindi magbabayad ng adminission fee.

Ang mga nasa Paris naman na hindi makakakuha ng ticket ay maaari makapanood sa 80 giant screens na inilagay sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Inaasahan naman ang 1.5 billion na tao sa buong mundo ang manonood ng opening ceremony sa kanilang mga telebisyon.