Bumuo ang mga dating rebelde sa Region 2 ng Regional Federation of Former Rebels People’s Organizations.
Sinabi ni Lt. COL. Melvin Asuncion, Chief Division Public Affairs Unit ng 5TH Infantry Division, layunin nito na mapalakas ang kanilang pagkakaisa at makatanggap ng mas mainam na suporta mula sa pamahalaan.
Binubuo ang nasabing federation ang iba’t ibang organisasyon mula sa Isabela, Nueva Vizcaya, at Cagayan.
Ang bawat grupo ay may lider at mga patakaran upang matiyak ang maayos na pamamalakad, lalo na sa pagtanggap ng assistance mula sa mga ahensiya ng pamahalaan.
Napili si Mauricio Aguinaldo, Interim Executive Director of Kappia Incorporated na director ng federation.
Sinabi niya na makakatulong ang federation sa mga dating rebelde na ma-access ang mas maraming benepisyo.
Sinabi ni Asuncion, na lilikha ang federation ng policies na magiging giya sa operasyon nito at matiyak ang maayos na pamamahala.