Aminado ang Land Transportation Office (LTO) na isa sa pangunahing dahilan ng pagkaantala ng distribusyon ng mga plaka ay ang mabagal at limitado nitong courier system.
Ayon kay LTO Chief Asec. Markus Lacanilao, sinabi nitong bagama’t may sapat na suplay ng plaka sa mga planta, ang tunay na problema ay ang delay sa delivery mula sa courier hubs papunta sa mga regional offices, dealers, o mismong motorista.
Dahil dito, pinag-aaralan na ng LTO kung magpapalit ng courier o magbubukas ng bagong kontrata upang mapabilis ang serbisyo.
Bukas din ang ahensya na makipagdayalogo sa mga dealer.
Ang mga ayaw namang makipagtulungan ay posibleng masuspinde ang accreditation.
Bukod dito, binalaan din ni Asec. Lacanilao ang mga dealer na sangkot sa pagbibigay ng green plates sa mga hindi electric o hybrid vehicles.
Kaya aniya, nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol rito, kabilang na ang mga posibleng sangkot o kasabwat sa ilegal na aktibidad.