TUGUEGARAO CITY- Mahigpit ang ginagawang preventive measure ng mga otoridad laban sa coronavirus o covid-19 sa kasalukuyang National Schools Press Conference sa Tuguegarao City.
Isinailalim sa thermal scanning ang mga delegado na na dumalo sa opening ceremony kanina.
Bukod dito, 50 delegado sa bawat rehion lang ang pinayagan na makapasok sa opening ceremony sa Cagayan Coleseum.
One seat apart din ang pag-upo ng mga delegado sa nasabing programa.
-- ADVERTISEMENT --
Una nang kinansela ang grand parade para sa nasabing aktibidad kaninang dahil na rin sa banta ng covid-19
Matatandaan na mahigit sa 30 ang naging patient under investigation ng covid-19 sa Region 2 bagamat nagnegatibo naman ang mga ito sa nasabing sakit.