TUGUEGARAO CITY-Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na kailangan pa rin ng food pass ng mga magde-deliver ng mga isda sa rehion dos at sa iba pang lugar.

Sinabi ni Dr. Emma Ballad ng BFAR region 2 na ito ay alinsunod sa inilabas na abiso ng BFAR central office.

Ayon sa kanya ang pag-i-issue ng food pass ay hanggang sa July 30 kahit ano pa man ang magiging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 15.

Sinabi ng opisyal na magtungo lamang sa mga tanggapan ng BFAR na nagbibigay ng food pass para sa mga business owners at mga drivers.

Ipinaliwanag niya na ang mga may hawak ng food pass ay bibigyan lamang ng extension kaya mananatili ang kanilang code at mayroon din silang ibibigay na seal.

-- ADVERTISEMENT --

Ang mga walang seal na food pass ay maituturing na peke.