Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na isusumite niya ang mga dokumento ng umano’y katiwalian sa flood control projects kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Magalong na ito ay tugon sa pahayag ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na anomang oras ay maaari lamang siyang makipag-ugnayan sa pangulo.

Ayon sa kanya, inaayos na lamang nila ang mga dokumento para maipasakamay na kay Pangulong Marcos.

Plano ng Kamara na magsagawa ng imbestigasuon sa umano’y korupsion sa flood control projects.

Subalit sinabi ni Magalong na may nakuha siyang impormasuon mula sa mga kontratista na ilang mambabatas ang tumanggap umano ng kickbacks na hanggang 40 percent sa budget ng proyekto.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa korupsion, ipinunto ni Magalong na 30 percent lamang ng budget ang naiiwan para sa aktuwal na flood control projects, na nagreresulta sa substandard quality.

Binigyang-diin ni Magalong na dapat ay isang third party ang mangunguna sa imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi niya na bukas siya na pangunahan ang independent committee para sa nasabing imbestigasyon.

Gayunpaman, sinabi niya na naintindihan niya ang sinabi ni Castro na hindi na siya kailangan, dahil kaya na raw ito ng kanilang pamahalaan.