Nakatakdang magprotesta ang mga drivers at operators ng Nueva Vizcaya Cooperative sa Maynila sakaling suspendihin ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ito ay matapos na sinusulong ng ilang senador ang pagsususpendi dito.

Ayon kay Emily Guzman manager ng VIZCON Cooperatives malaking problema ito sa mga kooperatiba dahil hindi naging madali ang pagproseso sa mga dokumento para lamang makapagconsolidate at makasunod sa utos o kagustuhan ng gobyerno.

Maaari aniyang maapektuhan ang kanilang hanapbuhay at mawalan ng saysay ang kanilang pinag paguran lalo na at madami paring tradisyonal jeepneys ang nakakapagpasada sa kabila ng pangako ng gobyerno na ipapatigil na ito kapag nakapagpalabas ng 15 units sa isang ruta.

Nakahanda ring dumulog sa Senado at humingi ng tulong kay Pangulong Ferdinand Marco Jr. upang gawan ito ng paraan at ituloy parin ang nasabing PUVMP.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon ay nanawagan naman si Guzman sa gobyerno na panindigan ng mga ito ang nasimulan nilang programa at huwag pabago bago ang desisyon dahil madaming mga naghahanapbuhay ang maaapektuhan.