Natagpuan na ng mga awtoridad ang mga umano’y ebidensyang ginamit sa pagpaslang sa policewoman na si PSMS Diane Mollenido sa Barangay Kaligayahan, Novaliches sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, narekober ang mga nasabing ebidensya kagabi.

Ang mga nakuhang ebidensya ay isang isang unit ng hindi pa natutukoy na brand ng caliber .45, tatlong magazine, isang pocket gun, at 55 rounds ng caliber .45 ammunition.

Bukod dito, may nakuha ring isang plate number na subject sa Land Transportation Office (LTO) verification.

Pumunta ang mga imbestigador sa bahay ng nanay ng isa sa mga suspek, ang tinanggal na pulis na si Christian Panganiban, kasunod ito ng impormasyon na ibinigay ng kapatid ng nasabing suspek sa pagkakadiskubre sa mga nasabing ebidensya na hinihinalang ginamit sa pagpaslang sa nasawing babaeng pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, ang mga nasabing narekober na ebidensya ay dinala sa Quezon City Police District – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) para sa imbestigasyon.