TUGUEGARAO CITY-Isasailalim sa libreng blood chem analysis ang mga empleado ng pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Sinabi ni Dr.Carlos Cortina, head ng Provincial Health Office na layunin nito na makita ang kalagayan ng kalusugan ng mga empleado partikular ang kanilang cholesterol profile,blood sugar level at uric acid.

Ayon kay Cortina ito ay bilang bahagi ng kanilang ipapatupad ngayon na araw-araw na exercise sa umaga at sa hapon.

ang tinig ni Cortina

Samantala, sinabi ni Cortina na binubuo na nila ang public-private partnership para sa plano na ibaba ang sinisingil na laboratory test sa mga hindi kasama sa no balance billing.

Sinabi ni Cortina na ito ay upang makatulong sa mga nahihirapan na magbayad ng napakalaking bayarin sa mga laboratory test.

-- ADVERTISEMENT --