Tuguegarao City- Kinumpirma ng Provincial Human Resource Management Office(PHRMO) na nabawasan na ang mga empleyado ng Provincial Government na magaling sa MAT o Mattammang.

Ang MAT o magaling mattammang ay ang tawag sa mga empleyadong madalas tumakas at lumiban sa oras ng trabaho.

Ayon kay Ma. Alda Natividad, acting PHRM Officer, malaki umano ang naitulong ng pagkakaroon ng bio-metrics at gate pass upang mamonitor ang mga aktibidad ng bawat empleyado.

Sinabi pa nito na hindi umano maitatanggi ng mga empleyado ang dahilan ng kanilang pagliban kung sakali mang may pupuntahan dahil hahanapan din sila ng certificate of appearance.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, malaki din aniya ang naitutulong ng “itext mo kay Gov. Program” upang maipaabot ng mga empleyado ang kanilang mga puna sa mga kapwa nila mga empleado at sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan.

Tiniyak ni Natividad hindi binabalewala ni Mamba ang mga ipinapadala sa kanya na mga text na may layunin na mapabuti pa ang pamamahala lalawigan.