Nananatiling mababa ang bilang ng mga nabakunahan ng booster shots sa Tuguegarao City na wala pang 40% sa bilang ng populasyon na fully vaccinated na.

Kasabay nito, sinabi ni City Health Officer Dr James Guzman na isasagawa nila ang pagtuturok ng bakuna kada barangay para sa boostering habang magkakaroon naman ng fixed sites lalo sa hapon para naman sa child vaccination.

Kabilang sa may mababang boostering ay mga essential workers na bagamat isa sa may pinakamataas na bilang ng nakatanggap ng 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccine, kasama ang rest of adult population.

Habang pinakamababa naman sa bilang ng mga naturukan ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine ang mga nasa poor population sa 70% at Senior Citizen sa 76%.

Muli namang tiniyak ni Guzman na ligtas at mabisa ang bakuna laban sa COVID-19 na isa sa mga dahilan ng pagbaba ng aktibong kaso sa Lungsod na aabot na lamang sa apat.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa ni Guzman na ang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng nagpopositibo sa COVID-19 at pagbaba ng Alert Level ng lalawigan ay hindi nangangahulugan na maaari nang hindi tumalima ang mga tao sa minimum health protocol.