TUGUEGARAO CITY-Malakas na hangin at ulan ang naranasan ng mga pilipinong manggagawa na nasa bansang Japan kasunod nang pananalasa ng bagyong Hagibis sa nasabing bansa.
Sa naging panayam kay Reymarie Cauilan Tashiro,isang factory worker sa nasabing bansa na tubong Nangalisan, Solana, Cagayan, tumaas hanggang alert level 5 ang bagyo kung kaya’t madami sa mga residente ang nagsilikas.
Ayon kay Tashiro, sa Kanagawa ken ay ilang sasakyan ang lumubog at halos magkalevel na umano ang tubig sa mga tulay doon.
Aniya, may mga naitala rin na mga stranded na karamihan ay mga turista na hindi naiintindihan ang mga nakapaskil na babala ng Japan Government.
Hanggang sa ngayon din aniya ay wala pang bukas na mga business establishment sa nasabing bansa .
Sakabila nito, pinagsasalamat ni Tashiro sa diyos dahil nasa maayos na ang kanilang kalagayan.