May pasok na bukas, July 18 ang mga estudyante sa lahat ng antas sa Cagayan (preschool – graduate school) matapos bawiin ni Gov. Manuel Mamba ang suspensyon ng klase dahil kay bagyong Falcon .
Batay sa rekomendasyon ng Cagayan Provincial Climate Change and Disaster Risk Reduction Management Office (PCCDRRMO), wala nang banta ng panganib at peligro ang bagyong “FALCON” sa lalawigan.
Samantala, sinabi ni Rogie Sending ng Cagayan Provincial Informatuion Office na nasa diskresyon ng mga municipal mayors kung palalawigin ang suspensyon ng klase lalo na sa mga lugar na nakakaranas ng pagbaha.
Kaugnay nito ay binawi na rin ang ipinatutupad na “LIQUOR BAN” sa buong probinsiya.
Bukod sa Cagayan, binawi na rin ni Gov. Eleanor Begtang ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Apayao.
— CPIO