Sumampa na sa mahigit 4000 ang kabuuang bilang ng mga evacuees ang nananatili sa mga evacuation center ng dahil sa pagputok at pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon simula noong Lunes.
Partikular na rito ang mga residente na nagmula sa Negros Island na mas piniling lumikas para malayo sa panganib.
Sa pinakahuling datos ng Office of Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council, as of 8am kaninang umaga, umabot na sa 4,391 ang apektado na namamalagi sa walong evacuation center na itinalaga ng mga kinauukulan.
Sa naturang bilang, ang 4,131 dito ay nanggaling sa Negros Occidental habang ang 260 naman ay nagmula sa Negros Oriental.