TUGUEGARAO CIY- Pinayuhan ng DSWD Region 4A ang mga evacuees ng Taal eruption na nakikitira sa kanilang mga kamag-anak na magpalista sa kanilang munisipyo.

Sinabi ni Joseph Arceo, information Officer ng DSWD Region 4A na ang listahan ay kokolektahin ng kanilang mga staff para sa paghahatid sa kanila ng kaukulang tulong o relief goods.

Ayon kay Arceo na kailangan lamang na magdala sila ng kanilang IDs upang matiyak na sila ay mga evacuees.

Tugon ito ni Arceo sa mga reklamo na hindi naaabutan ng tulong ang ilang evacuees na nasa labas ng mga evacuation centers sa Batangas at Cavite.