Nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga evacuees sa Cagayan habang may iba pa na nananatili sa evacuation centers sa lalawigan ng Batanes.

Sinabi ni Lucia Alan, director ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 2, mayroon pang 23 families o 87 individuals sa anim na evacuation center sa Batanes.

Kaugnay nito, sinabi ni Alan na umabot sa 20,303 families na binubuo ng 32,524 ang naapektohan ng pananalasa ng bagyong Julian sa Batanes at Cagayan.

Sinabi niya na sinalanta ng bagyo ang lahat na anim na munisipalidad ng Batanes.

Idinagdag pa ni Alan na umabot na rin sa 197 ang totally damaged na bahay habang 1,443 naman ang partially damaged, kung saan ang 96 ay sa Batanes habang isa naman sa Aparri, Cagayan.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Alan na sasakay sa c-130 aircraft ang 104 na stranded na mga turista sa Batanes.

Ayon sa kanya, ang nasabing aircraft ang sinakyang ng isang opisyal ng DSWD central office na nagdala ng iba pang pangangailangan ng mga residente na naapektohan ng bagyong Julian.