TUGUEGARAO CITY- Bibigyan ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan ng tig-P30,000 ang mga frontliners na magkakasakit ng covid-19.
Sinabi ni Mamba karapat-dapat lang na makatanggap ang mga frontliners ng insentibo dahil sa kanilang sakripisyo sa paglaban sa nasabing virus.
Kasabay nito, nilinaw ni Mamba na hinsi mabibigyan ng nasabing halaga ang mga hindi frontliners na mga empleado ng pamahalaang panlalawigan na magpopositibo sa covid-19.
Samantala, binigyan diin ni Mamba na dapat na lalo pang palakasin at bigyan ng mas malaking kakayahan ang mga local government units ngayong panahon ng pandemic.
Sinabi ni Mamba na nakakalungkot na ang mga LGUs ang may pinakamaliit na nakukuhang bahagi sa national resources gayong sila ang nangunguna sa anomang frontline services tulad na lamang ang paglaban sa covid-19.
Ayon sa kanya, panahon na upang makita ito ng pamahalaan at hindi lang sa internal revenue allotment makakakuha ng pondo ang LGU kundi mabigyan din ng share mula sa national taxes.