Matatapos na ngayong araw ang isinasagawang Cagayan Valley’s 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤𝐚𝐧 𝐚t 𝟏𝐬𝐭 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐅𝐚𝐢𝐫 sa China town Binondo, Manila.

Ayon kay Karen Amores, regional marketing unit head ng DTI Region 2 ang nasabing programa ay bahagi ng inisyatibo ng nasbaing ahensiya upang mabigyan ng mas malawak na merkado ang mga Micro, Small, and Medium Enterprise (MSMEs) at local farmers sa Metro Manila at maipakilala ang mga produktong gawa ng nasabing rehiyon.

Tinatampok dito ang mga gawang rehiyon dos kung saan ang grand bagsakan ay para sa mga MSME’s gaya ng produce products o process products habang ang 𝟏𝐬𝐭 𝐍𝐞𝐠𝐨𝐬𝐲𝐨 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐲𝐨 𝐅𝐚𝐢𝐫 ay para naman sa mga agrarian reform beneficiaries o magsasaka na mas pinalawak pa dahil dalawang aktibidad ang pinagsama.

Ilan sa mga produktong binebenta ay mga citrus at highland vegetables gaya ng carrots, pipino at sayote ganundin ang mga lowland vegetables, process products gaya ng chicharabao, milk candy, non food items at marami pang iba.

Maliban dito din sa pagtitinda ng mga produkto ay inimbitahan rin ang mga institutional buyers.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod pa dito ay natutuawa rin ang ahensiya sa mga komento ng mga ibang mamimili dahil may mga ilan na ayaw ring tumigil sa pagbili sa dami ng pagpipiliang murang produkto galing sa rehiyon.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukhan ng 63 kung saan 30 dito kabilang sa sa one town one product program habang ang 33 naman ay nasa comprehensive agrarian reform program.

Dumaan ang mga nasabing kalahok sa mga trainings at seminars upang maging gabay ito sa kanila na mas maintindihan pa kung paano magpatakbo ng negosyo at kung ano ang ginagawa kapag sumasali sa mga ganitong klaseng aktibidad.