Umaasa si Engr. Geffrey Catulin, division manager ng Cagayan-Batanes Irrigation System na matatapos sa ikalawang linggo ngayong Disyembre ang mga ginagawang rehabilitasyon sa ilang napinsala na mga irrigations canals, dams at solar panels sa pananalasa ng mga bagyo, mula Julian hanggang Pepito sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa kanya, umabot sa P383 million ang nasirang pasilidad sa irigasyon habang nakapagtala rin ng pinsala sa P505 million sa mga pananim na palay sa kanilang nasasakupan.
Sinabi ni Catulin na nagtutulungan ang kanilang tanggapan at maging mga local government units para sa pagkukumpuni at clearing operation sa mga irrigation canal na napuno ng mga putik at mga naanod na malalaking troso.
Ihihalimbawa ni Catulin ang napakaraming troso na naanod sa irrigation canal sa bayan ng Gonzaga.
Gayonman, sinabi ni Catulin na bahagyang matatagalan ang rehabilitation sa nasirang dam sa bayan ng Gattaran na unti-unting popondohan ng Office of the Civil Defense ng P180 million.
Bukod dito, sinabi niya na isinumite na rin nila sa kanilang central office ang program of work para sa tuloy-tuloy na rehabilitationg kanilang mga pasilidad para matiyak na magiging matibay na ito laban sa baha at mas matagal na mapapakinabangan ng mga magsasaka.
Ayon sa kanya, umabot sa 7,815 hectares at may 7,579 na magsasaka ang naapektohan ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo nitong nakalipas na buwan.