Idineklara ng Malacañang ang half-day na trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa Lunes, Setyembre 22, bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.
Ayon sa Memorandum Circular 96 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, suspendido mula ala-1:00 ng hapon ang trabaho sa mga tanggapan sa ilalim ng Executive branch sa Family Day.
Patuloy naman ang operasyon ng mga ahensiyang nagbibigay ng pangunahing serbisyo tulad ng health service at disaster response.
Hinihikayat din ang ibang sangay ng gobyerno at mga pribadong sektor na makiisa para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng pamilyang Pilipino na makibahagi sa pagdiriwang.