TUGUEGARAO CITY-Hindi umano imbitado sa inauguration ni Governor Manuel Mamba bilang muling nanalong gobernador ng Cagayan ang mga hindi bumoto sa kanya na mga empleado ng kapitolyo.
Sa binasang mensahe ni Provincial Administrator Rodolfo Alvarado, sinabi ni Mamba na gusto niyang ang dadalo sa kanyang inagurasyon ay ang mga sumuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang mga ipinaglalaban .
Laman din ng mensahe ni Mamba ang kanyang pangako na sisikapin niyang mabago ang pananaw ng mga hindi bumoto sa kanya sa pamamagitan ng tapat at tuloy-tuloy na pagtatrabaho para sa pag-unlad ng Cagayan.