TUGUEGARAO CITY- Pinapayuhan ang mga hog raisers na i-report pa rin sa Provincial Veterinary Office o sa mga Municipal Veterinary Office na idulog sa kanila kung nagkakasakit ang kanilang mga alagang baboy.
Sinabi ito ni Dr. Arnulfo Perez, head ng Provincial Veterinary Office ng Cagayan dahil sa paglapit umano ng ilang hog raisers sa mga paraveterinary kung nagkakasakit ang kanilang mga baboy.
Ayon kay Perez, hindi nila ito inirerekomenda dahil ang mga paraveterinary ng mga commercial feed companies ay walang sapat na kaalaman sa sakit ng mga hayop at tamang panggagamot sa mga ito.
Sinabi ni Perez na hindi umano pina-practice ng mga paravet ang tinatawag na bio- security.
Kasabay nito, sinabi ni Perez na kulang kasi ang mga veterinarian sa lalawigan kaya madalas na dumudulog ang mga magsasaka sa mga paravet.
Dahil dito, sinabi niya na iminungkahi niya sa Department of Agriculture na pulungin ang mga paravet technicians para mabigyan sila ng tamang training at makakuha ng maagang reporting ukol sa mga nagkakasakit na mga hayop para ito ay agad din na matugunan.