TUGUEGARAO CITY- Mababa umano ang mga huling isda ngayon ng mga mangingida sa Cagayan dahil sa umiiral amihan.

Sinabi bi Jaime Yusores, regional chairman ng Samahan ng mga mangingisda sa Rehion at Lokal, grupo ng mga mangingisda sa ilalim ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na 30-40 percent na lang ang huli nilang mga isda kumpara sa mga panahon na walang umiiral na amihan.

Ayon sa kanya, hindi nakakalayo ang mga mangingisda sa dagat dahil sa malakas na hangin na hindi kaya ng kanilang maliliit na bangka.

Bukod dito, limitado na rin ang kanilang paglalatag ng kanilang mga lambat.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi niya na ang higit na apektado dito ay ang mga mangingisda sa Babuyan Channel sa Sta.Ana at Claveria, Cagayan.