Nag-iiba ang kulay ng mga ilog at batis sa Alaska sa rusty orange mula sa malinis at clear blue dahil sa toxic metals mula sa natutunaw na mga yelo.

Ipinagtaka ito ng mga researchers mula sa National Park Service, University of California sa Davis at ang US Geological Survey, na nagsagawa ng mga pagsusuri sa 75 locations sa katubigan ng Brooks Range sa Alaska.

Nakita ng mga ito na nagkukulay kalawang ang mga ilog at batis sa nakalipas na lima hanggang 10 taon.

Ayon sa mga researchers, ang pag-iiba ng kulay ng mga tubig sa Alaska ay dahil sa mga metal tulad ng iron, zinc, copper, nickel, at lead, kung saan ang iba sa mga ito at toxic sa ecosystems.

Sinabi ng mga ito na na sanay sila na nakikita ang ganitong sitwasyon sa California, sa ilang bahagi ng Appalachia dahil may kasaysayan ito ng pagmimina.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, nakakapagtaka kapag ganito ang makikita sa isang liblib na kagubatan na malayo mula sa minahan.

Ang nasabing sitwasyon ay iniuugnay sa kokonti na huli ng mga isda ng mga mamamayan ng Alaska.