Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ulat na na-hack umano ang datos ng mga nanalo sa lotto.
Sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy, na nalaman nila ang impormasyon dalawang araw na ang nakalipas.
Sa post sa Facebook page, sinabi ng Philippines Exodus Security na libu-libong profile ng mga nanalo sa lotto mula 2016 hanggang 2025 ay nakompromiso kabilang ang mga pangalan, tirahan, phone numbers, IDs, at ang mga nanalo na numero.
Sinabi pa sa post na tila hindi man lamang pinalitan ng PCSO ang mahina nilang password, na madali lamang umano na na-hack.
Batay sa kanilang Facebook page information, ipinakilala ng Philippines Exodus Security ang kanilang grupo na “red teamer” na nakabase sa bansa.
Layunin ng red teamer na pagbutihin ang IT security frameworks ng mga organisasyon sa pamamagitan ng paglulunsad physical o digital attacks sa kanilang systems.