Tuguegarao City- Kinumpiska ng mga otoridad ang halos 150Kg na mga imported pork and meat products sa palengke sa Tuguegarao City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dr. Ernst Duque, Director ng National Meat Inspection Service (NMIS) Region 2, agad nagsagawa ng operasyon ang kanilang nakatanggap ng makatanggap ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng imported meat and pork products ng hindi na pinangalanang negosyante.
Aniya, nasa gilid ng kalsada ang mga nasabing produktong isinasakay na sa isang container van upang ideliver sana sa Cabagan, Isabela.
Ayon kay Duque, bigong makapagpakita ng kaukulang dokumento ang may-ari ng mga paninda kaya’t ito ay agad nilang kinumpiska ibinaon sa lupa.
Sinabi nito na galing pa sa Cauayan City, Isabela ang mga nasabing produkto na inangkat ng mga supplyer sa US at iniluwas sa lungsod.
Paliwanag niya, maaaring nakalusot sa mga checkpoint areas ang mga nasabing produkto ng isakay sa container van na hindi na na-inspection.
Maalalang una ng naglabas ng direktiba ang pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao at pamahalaang panlalawigan ng Cagayan kaugnay sa pag bann sa oagpasok ng mga pork and meat products mula sa ibang mga bayan at probinsya maliban sa Ilocos Norte na ngayon ay nananatiling ASF Free.
Gayonman, tiniyak ni Duque ang maigting na paglulunsad ng inspection sa bawat pamilihan sa rehiyon.