photo credit: Tuguegarao City Information Office

TUGUEGARAO CITY-Kailangan nang sumailalim sa 14-day mandatory quarantine at kailangang magpakita ng travel authority ,barangay at health certificate ang mga indibidwal na uuwi sa Tuguegarao City na manggagaling sa kalakhang Maynila at Calabarzon

Nakasaad ito sa nilagdaan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na executive order no. 71 kung saan laman nito ang mga bagong panuntunan na dapat sundin ng mga indibidwal na pumapasok sa lungsod bilang pag-iingat sa covid-19.

Batay sa executive order, ang sinumang bigong magpapakita ng dokumento na hinihingi sa mga nakalatag na checkpoint ay hindi papapasukin sa lungsod.

Para naman sa mga indibidwal na galing sa Isabela at iba pang probinsiya sa Region 2 ay kailangang magpakita ng travel pass at health declaration.

Sa mga empleyado naman na galing sa ibang probinsiya na nagtatrabaho sa lungsod, magpakita lamang ng identification card(I.D) sa mga checkpoint area.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod dito,dapat din sundin ang bilang ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan tulad ng van na dapat ay walo lamang para maobserba ang social distancing.