TUGUEGARAO CITY-Binigyan diin ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict na dapat na pagtuunan ng pansin ang mga katutubo na naninirahan sa mga malalayong lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, Sinabi ni Usec. Lorraine Marie Badoy, tagapagsalita ng NTF-ELCAC na ito ay dahil sila ang madalas na target ng rebeldeng grupo sa kanilang mga propaganda at recruitment dahil sa kulang sila sa kaalaman at hindi rin nakakarating sa kanila ang mga programa at mga serbisyo ng pamahalaan.
Ayon sa kanya, 90 percent ng mga katutubo ay miembro ng rebeldeng grupo.
Dahil dito, sinabi ni Badoy na dapat na makipahtulungan ang bawat ahensiya ng gobierno maging ang Local Government Units upang maiparating sa mga katutubo ang tulong mula sa pamahalaan.
Sinabi niya na hindi sapat ang kanilang pagsisikap na marating ang mga katutubo sa mga liblib na lugar kung walang suporta ang lahat.