Nakabalik na sa kani-kanilang tahanan ang mga isinailalim sa preemptive evacuation sa lalawigan ng Cagayan kahapon, bunsod ng banta ng bagyong Enteng.
Sinabi ni Rueli Rapsing, head ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, lumikas ang 10 pamilya sa Barangay Bagunot sa Baggao, tatlong pamilya ang nakituloy sa kanilang mga kapitbahay, limang pamilya sa barangay hall ng Alba, apat na pamilya sa Dummon, Gattaran, siyam na pamilya sa Claveria, at isang pamilya sa Santa Ana.
Kaugnay nito, sinabi ni Rapsing na batay sa kanilang monitoring, nagkaroon ng soil erosion sa isang lugar sa Tuao.
Sinabi pa ni Rapsing na batay sa report ng Provincial Agriculture Office, ilan na lang ang mga hindi naani na mga pananim na mais at umaasa sila na makakabangon pa ang mga ito at hindi naapektohan ng sama ng panahon.
Ayon sa kanya, nagsasagawa pa ng monitoring at assessment ang agriculture office sa mga posibleng damages sa sektor ng agrikultura.