Naghain ng criminal at graft complaints ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at isang non-government organization laban kay Speaker Martin Romualdez at limang iba pa kaugnay sa alegasyon ng bilyon-bilyon na isiningit sa 2025 national budget.

Naghain sina former Speaker Pantaleon Alvarez, PDP-Laban senatorial bet Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdinand Topacio, Citizens Crime Watch (CCW) president Diego Magpantay, and Atty. Virgilio Garcia ng 12 counts bawat isa ng falsification of legislative documents at graft sa Office of the Ombudsman laban sa mga respondents.

Inakusahan nila sina Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, former House appropriations committee chairperson at Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co, acting House appropriations panel chairperson Stella Quimbo, at dalawang hindi pinangalanan na sangkot sa P241 billion na halaga ng insertions sa P6.325 trillion national budget para sa 2025.

Matatandaan na sina Duterte at Davao City 3rd District Representative Isidro Ungab ang nagpahayag ng alalahanin tungkol sa umano’y pagkakaiba sa bicameral conference committee report.

Samantala, ilang ulit na itinanggi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinasabing blangkong pahina sa 2025 national budget.

-- ADVERTISEMENT --