Dumating na sa Coron Port sa Palawan ngayong Linggo ng umaga ang mga kaanak ng mga pasaherong nawawala matapos masunog ang MV June Aster noong Setyembre 9.
Ayon sa ulat, bumiyahe mula Maynila ang mga kaanak nitong Sabado upang makasama sa paghihintay sa resulta ng search and recovery operations.
Pumalo na sa 76 ang bilang ng mga nasawi matapos makarekober ang Philippine Coast Guard ng karagdagang 41 labi nitong Sabado.
Samantala, nananatiling nawawala ang kapitan ng MV June Aster. Ayon sa PCG, hindi ito kabilang sa opisyal na listahan ng mahigit 10 crew members na nakaligtas sa insidente.
-- ADVERTISEMENT --



