Tiniyak ng mga awtoridad na malaya nang makapangampanya sa mga liblib na lugar ang mga kandidato para sa darating na midterm elections sa buwan ng Mayo

Ayon kay B/Gen Eugene Mata, Brigade Commander ng 502nd infantry brigade ng Philippine Army hindi na issue sa idaraos na national at local elections ang permit to campaign permit to win na ginagawa ng new peoples army o npa sa mga nakalipas halalan.

Sinabi ni Mata na wala na silang kakayahan na gawin ito dahil dahil humina na ang komunistang grupo bunsod ng pinaigting na kampaniya ng pamahalaan laban sa insurhensiya.

Binigyang diin naman ni Police Brigadier General Antonio Marallag, Jr., Regional Director ng PNP Region 2 na cleared na ang lalawigan ng Cagayan sa impluwensiya ng mga makakaliwang grupo kung saan patunay dito ang pagsuko ng kanilang mga lider at miyembro.

Sinabi ni Marallag na kung mayroon mang matanggap na sulat o text message na humihingi ng revolutionary tax ay hindi na ito mga npa bagkus Gawain ng mga nagpapanggap na grupo para makapangikil sa mga pulitiko.

-- ADVERTISEMENT --

Kaya naman hinimok niya ang mga kandidato na makatanggap ng naturang mensahe na agad itong idulog sa mga pulis para maimbestigahan

Tumutukoy ang permit to campaign permit to win sapilitang pangongolekta ng fees ng mga komunistang rebelde sa mga kandidato upang makatakbo at makapangampanya sila para sa posisyon sa gobyerno kapalit ng proteksiyon.