Binigyan ng Comelec ng limang araw ang mga kandidato para alisin ang kanilang mga campaign materials, lalo na iyong mga nakakalat sa mga lansangan.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, posibleng maharap sa election offense o diskwalipikasyon ang hindi susunod.
Ipinapatupad pa rin ang Section 30 ng Resolution No. 11086 na nag-aatas ng agarang pagbabaklas ng mga campaign paraphernalia matapos ang halalan.
Binabantayan ito ng Task Force Baklas na nakatutok sa pagsita at pananagot ng mga lumalabag.
May ilang kandidato na rin ang nasampolan at nasampahan ng disqualification case.
-- ADVERTISEMENT --