Apektado sa major outage sa global computer systems nitong Biyernes, Hulyo 19 ang iba’t ibang sector ng ekonomiya katulad ng mga banko, paliparan, communications at telecommunications company.

Ayon sa National Cyber Security Coordinator, ang “large-scale technical outage” ay dulot ng isyu sa “third-party software platform,”

Sa Berlin, Germany, sinuspendi ang mga flight sa Berlin Brandenburg airport dahil sa “technical problem.”

Nagbabala rin ang pinakamalaking rail operator sa United Kingdom sa posibilidad ng train cancellations dahil sa naturang IT issue.

Nagkaroon din ng glitch at agad na tinapos ng Sky News sa UK ang morning news broadcast dahil dito.

-- ADVERTISEMENT --

Maging sa Pilipinas ay apektado ang digital banking services ng ilang major local banks dahil din sa tech outage.

Ayon sa BDO Unibank, nakaranas ng technical difficulties ang kanilang sistema dahil sa isyu sa Microsoft.

Nag-ulat din ng mga kaparehong isyu ang Metrobank, Unionbank at Bank of the Philippine Islands.

Pansamatala rin nawalan ng serbisyo ang RCBC sa kanilang RCBC Pulz and Online Banking, Fund transfers to other banks via Instapay, PesoNet, at iba pa.

Kasama rin sa apektado ang Fund transfers to RCBC at sa iba pang banko sa pamamagitan ng Instapay at ang Cardless withdrawal.