
May mga kongresista rin na inaasahang sasampahan ng reklamo sa mga susunod na araw kaugnay sa isyu ng maanomalyang mga proyekto kontra baha.
sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon na ito ay dahil natuklasan ang mga anomalya sa kanilang mga nasasakupang distrito.
Tumanggi naman si Fadullon na pangalanan ang mga kongresista at kung ilan ang mga ito.
Ayon kay Fadullon, ayaw niya munang pangunahan ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa mga inirekomendang kasuhan lalo’t kailangan pa rin nitong dumaan sa approval ng Office of the Ombudsman.
Mainam din aniya na maisampa muna sa Sandiganbayan ang mga kaso bago maglabas ng mga pangalan.
Una nang sinabi ng DOJ na aarangkada na ngayong linggo ang paunang imbestigasyon kaugnay naman sa magkahiwalay na plunder cases laban kina Senator Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla.










