TUGUEGARAO CITY- Tiniyak ng mga kongresista ang buong suporta kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung matutuloy ang term sharing agreement sa pagiging speakership.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga na kung ang mga kongresista ang tatanungin ay payag sila na tapusin na lang ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang tatlong taong liderato sa kamara.

Sa kasaysayan ng kamara de representantes ay tanging si Speaker Cayetano ang nakakuha ng mataas na trust at approval rating sa loob lamang ng dalawang buwan.

Binigyang diin nito na ito ay dahil sa maganda ang pakikisalamuha ni Cayetano sa mga kapwa niya mga mambabatas na malaking tulong kung kayat kaagad na naipasa ang national budget para sa susunod na taon.

-- ADVERTISEMENT --

Pero iginagalang naman umano nila ang pasya ni Pangulong Duterte na magkaroon ng hatian sa termino sa speakership kung saan 15 buwan kay Cayetano at 21 buwan naman kay Velasco.

ang tinig ni Barzaga

Si Barzaga na chairman ng House Committee on Natural Resources ay ang pangulo ng National Unity Party na pumangalawang pinakamalaking bloc sa mababang kapulungan ng kongreso na mayroong 57 na miyembro.