TUGUEGARAO CITY-Inaalam na ng kapulisan kung sino ang driver at nagmamay-ari ng van na may laman na kontrabandong kahoy na natagpuan sa barangay Larion Alto dito sa Lungsod ng Tuguegarao.

Una rito, sinabi ni P/capt Rey Lopez, chief of police ng PNP-PeƱablanca, madaling araw ng sabado ng may mapadaan na puting van sa kanilang nakalatag na checkpoint partikular sa brgy Camasi.

Nang sitahin, pinaharurut ng driver ang kanyang van kung kaya’t kanila itong sinundan hanggang makita ang ang van sa bahagi ng barangay Larion Alto dito sa lungsod.

Nakita sa loob ng sasakyan ang 37 pirasong pinutol na iba’t-ibang klase ng kahoy na umaabot sa 450 board feet at nagkakahalaga ng P16,000.

Nabatid na walang plaka ang ginamit na van ng suspek.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni P/capt Rey Lopez