Nasa 17,000 ang bilang ng mga kukuha ng Civil Service Examination ngayong March 15, 2020 sa apat na testing center sa rehiyon dos.

Kasabay nito, nagpa-alala si Nerissa Canguilan, director ng CSC RO2 sa mga kukuha ng pagsusulit para sa Professional at Subprofessional level na maagang tumungo sa mga examination site o bago mag-alas 7:00 ng umaga.

Ayon kay Canguilan, kailangan na dalhin ang acknowledgment receipt at ID na iprinisinta noong filling ng application para sa verification process.

Kung sakaling hindi makapag exam ay otomatikong forfeited na ang examinees slot na nangangahulugang kailangan ulit ng panibagong apliksyon para makapag exam.

Dagdag pa ni Canguilan na mahigpit na ipinagbaba wal at walang anumang review center ang ineendorso ng komisyon.

-- ADVERTISEMENT --