Aabot sa 5,297 ang kumuha ng pagsusulit para sa Licensure Exmination for Teachers (LET) sa Region 2 sa kabila ng nararanasang hagupit ng bagyong julian.
Ayon kay Juan Alilam Jr. OIC Regional director professonal regulation commission region office II, ang nasabing bilang ay katumbas ng 96.70% habang aabot naman sa 5,478 ang nagparehistro.
Aniya, ibinyahe na ang mga ID at answer sheets ng mga examinees sa Cauayan at Tuguegarao City sa kabila ng nararanasang bagyo.
Habang siniguro naman ni Alilam na hindi mababasa ang mga answer sheets ng mga examinees mula sa probinsiya ng Batanes kahit pa itinaas ang signal number 4 sa lugar.
Sa probinsya aniya ng Batanes ay umabot sa 100 ang nagprehistro ngunit 95 dito ang tumuloy sa nasabing pagsusulit habang sa Cauayan ay nasa 1,849 naman ang nagparehistro ngunit 1,780 lamang ang tumuloy na katumbas ng 96.27%, ganundin sa Tuguegarao City na mayroong 3,529 ang nagparehsitro ngunit 3,422 naman ang tumuloy o katumbas ng 96.97%.
Samantala sinabi naman ni Alilam na hindi ikinokonsidera bilang “failed ” ang mga di nakapunta sa araw ng pagsusulit dahil mayroong option ang mga ito na kumuha ulit ngunit sa susunod pa na taon at hindi ito pwedeng irefund.
Kung ikukumpara din umano ang bilang mga examinees ngayon ay mas mataas ito kumapara noong nakaraang taon.