TUGUEGARAO CITY- Naiuwi na sa Tabuk City, Kalinga kaninang umaga ang mga labi ni Major Marvin Indammog sakay ng chopper.
Dumating ang mga labi ni Indammog sa Tuguegarao City airport sakay ng C130 plane bago dinala sa Tabuk City kung saan ay binigyan siya ng military honors.
Mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa airport kung saan maging ang media ay hindi pinalapit sa bangkay dahil sa isa sa immediate family ng opisyal ay suspected covid-19 case.
Bilang bahagi ng protocol, isinailalim din sa repid test ang mga kamag-anak ni Indammog dahil galing sila sa Metro Manila.
-- ADVERTISEMENT --
Agad na isinakay ang mga labi ni Indammog sa chopper habang by land naman ang kanyang pamilya.
Isa si Indammog sa apat na sundalo na napatay ng mga pulis sa Jolo, Sulu.