Nilansag at kinumpiska ng Philippine Navy ang Chinese fishing nets na inilagay sa bisinidad ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ayon sa state publication na Xinhua ng China, sinira umano ng personnel ng BRP Sierra Madre ang lambat ng mga mangingisda ng kanilang bansa nitong buwan ng Mayo.

Sinabi pa ng Xinhua na mahigit 2, 000 meters ng fishing nets ang sinira habang mahigit 100 meters ng fishing nets ang kinumpiska ng bansa.

Ang pinakahuling alegasuon ay isa lamang sa serye ng akusasyon ng China laban sa mga personnel ng BRP Sierra Madre.