TUGUEGARAO CITY- Naniniwala si Ding Generoso, dating spokesman ng Consultative Committe na nagsagawa ng pag-aaral sa saligang batas na maisasakatuparan ang mga legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong 18th Congress.
Ito ay matapos na mahalal bilang house speaker si Congressman Allan Peter Cayetano at Senator Tito Sotto III bilang senate president na kapwa kaalyado ng pangulo.
Sinabi ni Generoso na mahalaga na mayorya ng kongreso ay kaalyado ng pangulo upang maisulong ang mga inilatag ng pangulo na mga panukalang batas para maisabatas ang mga ito.
Samantala, sinabi ni Generoso na umaasa siyang isa sa pagtutuunan ng pansin ng 18th Congress ay ang charter change.