Patuloy ang Sitio Electrification Program ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO-1) sa ibat ibang munisipalidad na kanilang nasasakupan sa lalawigan ng Cagayan.

Ito ay matapos na maisakatuparan ang proyekto sa liblib na lugar sa Zinundungan Valley sa bayan ng Rizal, kung saan labis ang pasasalamat ng mga residente lalo na sa mga estudyante dahil makakatulong ito sa kanilang pag-aaral.

Ayon kay Frances Obispo, general manager ng CAGELCO-1, 17 sitios mula sa bayan ng Solana, Alcala, Baggao, Iguig, Rizal, Tuguegarao at Enrile ang target nilang mapailawan kung maaprubahan ang kanilang hinihinging pondo sa National Electrification Administration (NEA).

Batay sa datos ng CAGELCO-1, nasa 684 households ang mapapailawan sa 17 sitio.

Sa ngayon ay umaabot na sa 180,000 ang member consumer-owner ng cagelco 1.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, hinimok naman ang mga member consumer-owner na makibahagi sa 43rd annual general membership assembly (AGMA) sa darating na November 30 via facebook live.

Maaaring magparehistro via online hanggang alas diyes ng umaga ng November 30 para makasali at magkaroon ng pagkakataon na manalo sa kanilang raffle draw.

Layunin ng pagtitipon na iulat sa mga miyembro ang mga update sa mga nagawa ng kooperatiba sa nakaraang taon.

Ito rin ay upang mapakinggan ang mga plano at panukala para mapaunlad pa ang serbisyo ng koopertiba sa mga darating na taon.

Dahil hindi kaya na i-accommodate lahat ang mga miembro kung kayat gagawin ito online via fb at onsite kung saan ang venue ay sa Cagayan State University o CSU Andrews campus gymnasium sa brgy caritan dito sa lungsod ng Tuguegarao.