Tanging ang Zone 7, sa Barangay Taguntungan at Sitio Mansarong sa Brgy.Sta Margarita sa bayan ng Baggao, Cagayan na sakop ng cagelco 1 ang hindi pa naibabalik ang supply ng koryente matapos ang magkakasunod na bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha dahil sa mga naranasang pag ulan
Ayon kay General Manager Frances Obispo ng Cagelco 1 na kailangan nilang i-relocate ang kanilang poste sa bahagi ng taguntungan dahil sa nangyaring landslide doon.
Target naman nila na matapos ang pagsasaayos dito bukas.
Habang tinitignan ng kanilang linemen kung paano madala ang kanilang kagamitan sa sitio mansarong sa brgy sta margarita dahil mahirap pa ang daan papunta sa nasabing lugar.
Inihayag ni Obispo na agad nilang naibalik ang supply ng koryente sa ibang mga lugar na kanilang nasasakupan matapos humupa ang tubig baha.
Aabot naman sa P2.8 million ang estimated damage sa kanilang mga naapektuhang linya dahil sa insidente ng pagbaha.
Dagdag pa ni obispo na tumulong ang mga linemen ng cagelco 1 sa power restoration sa mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo sa ilalim ng task force kapatid ng mga electric cooperative sa buong bansa.
Nabatid na tatlong linemen ang naideploy sa batanelco mula oct 5 hanggang november 4. Nasa 11 skilled linemen naman ang ipinadala na tutulong sa mga linemen ng cagelco 2 mula november 16 to 26 habang pito naman sa isabela mula nov 18 hanggang 30.