Lumakas pa ang Bagyong Julian at nadagdagan pa ang mga lugar na isinailalim sa Tropical Cyclone Wind Signal #1 dahil sa patuloy na paglapit ng bagyo.
Mataas ang tiyansa na ito ay mag-landfall o lumapit ng husto ang sentro ng bagyo sa Batanes at/o Babuyan Islands sa araw ng lunes (September 30) hanggang sa araw ng martes (October 1).
Inaasahan na patuloy lalakas ang Bagyong Julian at posibleng maging isang Typhoon na ito bukas ng gabi. Hindi naman inaalis ang posibilidad na maging isang Super Typhoon ang bagyo.
Lakas: 85 km/h
Bugso: 105 km/h
Galaw: Southwestward at 10 km/h
Lokasyon (10:00 PM): 345 km East of Aparri, Cagayan
TROPICAL CYCLONE WIND SIGNALS
-- ADVERTISEMENT --
TCWS#1:
- LUZON
- Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, the eastern and central portions of Mountain Province (Natonin, Paracelis, Sadanga, Barlig, Bontoc), the eastern portion of Ifugao (Aguinaldo, Alfonso Lista, Mayoyao), Ilocos Norte, the northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente), and the northern portion of Aurora (Dilasag, Casiguran)