TUGUEGARAO CITY-Mahigit isang libong katao ang nahuli ng Public Safety and Security Office (PSSO)-Tuguegarao na lumabag sa mga nakalatag na health protocols laban sa covid-19 nitong buwan ng Abril.

Ayon kay Vince Blancad, head ng PSSO-Tuguegarao, sa unang 15 araw ng Abril, nasa 517 na katao ang kanilang nahuli kung saan ang may pinakamarami ay ang hindi tamang pagsuot ng face shield na may 355.

Sa huling dalawang linggo naman ng Abril o kasabay ng muling pagpapalawig ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lungsod ay mahigit isang libo ang nabigyan ng ticket dahil sa ibat-ibang paglabag.

Aniya, tumaas ang bilang ng kanilang nahuhuli matapos palitan ang kanilang istratehiya kung saan nakasibilyan na ang mga miembro ng PSSO na nag-iikot sa lungsod.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ni Blancad ang publiko na sumunod sa mga nakalatag na health protocols para hindi ma-ticketan at bilang proteksyon na rin sa nakamamatay na sakit na covid-19.

-- ADVERTISEMENT --