TUGUEGARAO CITY- Hindi na umano balido ang mga covid shield pass na ginamit nitong nakalipas na taon na hindi ibinalik sa mga barangay.

Kaugnay nito, nagbabala si Engr, Kendrick Calubaquib, barangay affairs officer ng pamahalaang panlungsod ng Tuguegarao na may multa ang sinomang gagamit ng mga nasabing covid shield pass ngayong muling umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa lungsod.

Sinabi niya na 2, 727 ang ibinigay nila sa mga barangay na covid shield pass sa mga barangay nitong nakalipas na taon at sa kanilang inventory bago ang ECQ nitong January 20 ay 1,401 na lang.

Ayon kay Calubaquib muli silang nag-issue ng mga bagong covid shield pass sa mga barangay at mayroon nang palatandaan na ito ay bago.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, sinabi ni Calubaquib na batay sa ordinansa, ang sinomang hindi magbabalik o mawawala ang kanilang covid shield pass, magmumulta ng P1, 000 habang ang mga gagamit ng hindi valid ay P500.