TUGUEGARAO CITY – Bumabalik na sa kanilang mga tahanan ang ilang pamilya na inilikas sa ilang bayan sa Cagayan dahil sa naranasang pagbaha bunga ng magdamag na buhos ng ulan kasunod ng pag-landfall ng bagyong Falcon sa Bolos Point,Gattaran,Cagayan kaninang 12:30.

Ang Bolos Point ay isang coastal area sa Gattaran.

Ilang agta ang nagpalipas ng gabi sa barangay hall sa Brngy.Capissayan.

Pitong pamilya na binubuo ng 22 katao ang inilikas din sa Sta. Teresita.

Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office-Cagayan, limang tulay ang hindi madaanan sa bayan ng Baggao bagamat unti-unti na umanong humuhupa ang tubig-baha.

-- ADVERTISEMENT --

Nagkaroon din ng landslide sa isang kalsada sa nasabing bayan kaya magsasagawa ng clearing operation ngayong araw ang mga otoridad.

Suspindido ang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan dito sa Cagayan,Apayao, Rizal at Tabuk City sa Kalinga dahil sa posibleng mga pagbaha dahil sa magdamag na pagbuhos ng ulan.

Nagpatupad din ng liqour ban ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan upang makaiwas sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari dahil sa kalasingan.

Samantala,kung mayroon mang magandang naidulot ang pananalasa ng bagyo sa Cagayan,ito ay ang dala nitong ulan dahil sa nadiligan umano ang mga pananim ng mga magsasaka lalo na ang mga mais.

Sa ngayon ay tumigil na ang buhos ng ulan sa Tuguegarao City at ilang bahagi ng Cagayan.